Be among us!

The Voice of Mindanao is an organization of youth and young professionals from and for Mindanao who are moving together to promote peace and healing, especially in conflict-affected zones, through youth empowerment and responsible citizenship for a better southern Philippines.

Today, we do our share as young peace-builders. Tomorrow, we will lead.

Our Mission

Our Mission

The mission of VoM is to bring together the voices of the people, especially the young, in Mindanao in moving towards peace and development through communication and cross-cultural understanding.

Our Vision

Our Vision:

Mindanao is a progressive, conflict-and-violence-free land where people communicate in, and for, peace and development.

Friday, August 20, 2010

'Dear P-Noy...' --A Letter from Julie Kristine De Guzman, First Place Winner

Dear P-Noy, Sa pagkakaluklok mo sa pinakamataas na posisyon sa bansa, nasa’yo ang aking tiwala. Hindi man ganoon kalakas ang tinig ko bilang ordinaryong estudyante, hayaan mong maisalaysay sa pamamagitan ng liham na ito ang mga pangarap ko bilang taga-Mindanao. Hindi ka man si Superman o Batman, sana’y magkaisa tayong suportahan ang pagbabago alang-alang sa bayan. Hindi man biglaan ang pagbabago, sana’y makapagsimula tayo. ‘Pag sinabing ‘Mindanao’, takot pa rin ang namamayani sa mga nakakarinig nito. Unti-unting natatabunan ang kagandahan nito dahil sa mga pangyayaring hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya. Sana’y maging matiwasay ang pagsasaayos ng hindi pagkakaunawaan – mapa-Lumad man, Bangsamoro o Kristiyano. Tulungan mong maiangat ang pangalang Mindanao mula sa kanyang pagkalugmok. Tutukan din sana ng iyong gobyerno ang pagsasaayos ng mga imprastruktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal dito sa Mindanao sapagkat lubusan na kaming naiiwan sa pag-unlad. Pangarap kong mapagmasdan ang bawat bata sa Mindanao na nakabihis-uniporme sa eskwela na bitbit ang lapis at libro. Walang mga tambay sa lansangan. Lahat nasa paaralan at may mga disenteng trabaho ang mga tao kahit hindi nakapag-aral sa kolehiyo. Mabigyan sana ng atensyon ang mga kababayan nating walang ligtas at maayos na komunidad na tirahan. Magkaroon sana sila ng pagkakataon upang may maituring na tahanan. Pangarap kong magkaroon ng kaayusan sa daloy kalsada. Walang naghahari-harian. Lahat pantay-pantay sa karapatan. Maging ganap na malinis sana ang bawat sulok ng kalsada. Sana’y maituring na lugar para sa kalinisan ang mga lugar sa Mindanao. Mapayabong pa sana ang mga produktong likas sa Mindanao upang magsilbing pang-akit sa mga turista maging sa mga negosyante na magsisilbing daan upang mapayabong ang ekonomiya ng bansa. Sana’y magkaroon ng ngiti sa bawat labi ng taga-Mindanao ngayon at bukas. Magsilbi sanang tulay ang liham na ito upang marinig mo ang pangarap naming mga taga-Mindanao. Sumasainyo, Julie Sender: Julie Kristine De Guzman University of the Philippines-Mindanao Tagum City

No comments:

Post a Comment