Be among us!

The Voice of Mindanao is an organization of youth and young professionals from and for Mindanao who are moving together to promote peace and healing, especially in conflict-affected zones, through youth empowerment and responsible citizenship for a better southern Philippines.

Today, we do our share as young peace-builders. Tomorrow, we will lead.

Our Mission

Our Mission

The mission of VoM is to bring together the voices of the people, especially the young, in Mindanao in moving towards peace and development through communication and cross-cultural understanding.

Our Vision

Our Vision:

Mindanao is a progressive, conflict-and-violence-free land where people communicate in, and for, peace and development.

Friday, August 20, 2010

'Dear P-Noy...' --A Letter from Kenneth Varquez, 5th Place Winner

Dear P-Noy,

Ako po ay isang mamamayan at higit sa lahat, isang kabataan na umaasa sa mapayapa at magandang pamumuhay dito po sa Mindanao sa baba po ng inyong panunungkulan. Naniniwala po ako na kayo po ang simula ng pagbabago sa ating bansa.

Taos-puso po akong umaasa sa inyo at sa mga tinilaga n’yo pong mga kasama sa baba po ng inyong administrasyon, ipagpatuloy po ninyo ang nasimulan ng inyong magulang.

Alam ko po na buong puso at walang pag-iimbot sa sarili at tapat po kayo, sa inyo pong mga tungkulin. Kung kami po ang tinuturing nyo pong boss, kayo po naman ang aming ilaw sa daan na madilim, at kayo po ang aming gabay sa matuwid na landas.

Buong puso po akong nagpapasalamat sa inyo sa kadahilanan na binigyan po ninyo kami ng pag-asa lalong-lalo na po kaming mga kabataan na uhaw sa tahimik at payapang pamumuhay. Umaasa po kaing mga Kristyano lalo na po ang mga kapatid po nating mga Muslim na matiil na ang gulo dito sa Mindanao.

Nararapat po kayong maging magandang ehemplo sa aming mga kabataang Pilipino.

Idolo ko po kayo sa lahat ng inyo pong larangan. Lalong-lalo na po sa pagsasalita ng matuwid at totoo, gamit ang ating sariling wika. Kaya po nauunawaan at naiintindihan po kayo ng mga pangkaraniwang Pilipino saan mang sulok ng Pilipinas sa plano nyo po sa ating bansa upang maging maunlad po ang ekonomiya ng Pilipinas.

Nakikita ko na talaga na may magandang kinabukasan ang ating bansa sa pangunguna po ninyo. Sana po magkita at magkausap po tayo ng personal.

Ang hiling ko lang po sa inyo na sana ay bigyan nyo po ng malaking atensyon ang terorismo sa Mindanao at sana ay maging maunlad at tahimik na ang Mindanao sa kasalukuyang pamamahala po ninyo. At sana po ay malinawagan na ang mga masasamang elemento sa ating kapaligiran na mas maganda ang payak, simple at matiwasay na pamumuhay.

Sana po dinggin po ninyo ang hinaing ko, at ng mga kapwa ko pong kabataang Pilipino.

Tayo po ang simula ng matiwasay at tahimik na pagbabago

Gumagalang,

Kenneth Varquez

Universidad de Zamboanga

No comments:

Post a Comment